Pasintabi: Legally justified ba ang war on drugs ni Duterte?

Pasintabi sa mga kontra sa philosophical framework ni Duterte. (Ang artikulong ito ay hindi po nangangahulugan na kami ay diehard Dutertian!)

 

Ang konsepto ng society o ng bansa ay pinalaking tahanan. Ganito iyan — Let’s assume na sa kasalukuyan, akmang papasok sa tahanan mo o kaya’y nandoon na sa loob ng tahanan (o bansa) mo ang mga halang ang kaluluwa, anytime papatay para maisagawa ang krimen at hindi pahuhuli ng buhay. Kung ikaw ang tagapagtanggol ng tahanan (sa kaso ng isang bansa ay ang mga alagad ng batas) natural gagamit ka ng RASONABLENG pwersa para hadlangan ang ginagawa o akmang gagawin ng MAPANGANIB na kriminal. Di pwedeng umaatake na sila sa harap mo o ng kapamilya mo ay luluhod ka lang at magdadasal o sasaway. Tanga ka. Natural gagamit ka ng pwersa. Tulad halimbawa kung ang kriminal ay hinahalay o akmang hahalayin ang asawa mo at handang saktan kayo kapag pinigilan ninyo, e natural kung may ipopokpok ka e popokpokin mo ang kriminal. Ang tendency mo ay LALAMANGAN MO ang INAAKALA mong pwersa ng kriminal AYON SA PROMPT JUDGMENT MO na inaakala mong taglay niya. Kaya, kung by instinct ng REASONABLE JUDGMENT ay may tendency ka na LAMANGAN ANG PWERSA NIYA, natural hahantong iyan sa ikakapilay o ikamatay niya. Hindi ka nagkakasala niyan sa batas ng tao at batas ng Diyos. Ang mga drug addicts, pushers at protectors ay nahahanay sa mga radikal o extremists. Kasalukuyan silang gumagala upang isapanganib ang buhay natin sa loob ng malaking pamilya (bansa) natin. Kung kailangang tapatan ng mga alagad ng batas ang pwersa ng imminent threat nila dahil hindi sila pahuhuli ng buhay, ano sa tingin mo ang kahahantungan? This is the concept of self-defense embodied in our Revised Penal Code adapted from the universal legal concept. Duterte’s anti-drug war is a MASS OR COLLECTIVE self-defense. SELF-DEFENSE is a BIBLICAL NATURAL RIGHT OF MAN. Idagdag pa dyan ang concept ng justifying circumstance ng “in the lawful exercise of duty” at “doctrine of self-help”. Justified ang taktika ni Duterte. Matalino siyang tactician. KUNG KONTRA KA, E ENGOT KA!

 

 

 

Personal view of Remigio S. Espares III.     IMAGE: BING.COM; License: Public Domain